Nag-ikot ang mga pulis sa mga paaralan sa kalakhang Maynila kasabay ng pagbubukas ng klase upang siguraduhin ang kaligtasan ng milyong mga mag-aaral.
Sa Caloocan City, kasama ng mga pulis ang mascot na si PO1 Monumento na bumati sa mga batang mag-aaral ng Central Elementary School at Gregoria Elementary School. Nagbigay rin sila ng safety tips at inihayag ang kanilang anti-criminality campaign.
Sa pamamagitan ng kanilang mga mascot, naniniwala ang pamunuan ng Philippine National Police na mapalalapit ang kalooban ng mga bata at magtitiwala sa mga pulis.
No comments:
Post a Comment