PINATUNAYAN ng isang 60-anyos na lola na sa kabila ng kanyang edad, maaari pa ring matuto kung desidido.
Sa unang araw ng klase sa Kinder 2 sa New Society Central Elementary School, General Santos City ay agaw-pansin si Lola Delia Tusan, residente ng Lanton, Apopong sa naturang lungsod.
Pumasok siya kasabay ng kanyang mga apo.
Sinabi ni Tusan, hindi pa huli ang lahat para mag-aral dahil mahirap sa isang tao ang walang pinag-aralan.
Marunong na rin siyang magbasa, sumulat ng kanyang pangalan at aktibo sa recitation subalit kailangan pang mahasa ang kanyang karunungan.
Ayon sa kanyang adviser na si Teacher Divine, madaling matuto si Tusan subalit kailangan pa nitong mahasa nang maigi.
Maaaring si Lola Delia na ang pinakamatandang estudyante sa rehiyon at mayroon din isang 37-anyos na ina ang kanyang naging kaklase.
No comments:
Post a Comment