Saturday, June 25, 2016

Group alarmed by Oplan RODY expansion in provinces


A YOUTH group expressed alarm after more local government units and their respective police commands have begun implementing or are planning to duplicate Oplan RODY or Rid the Streets of Drunkards and Youth in an effort to curb vices and petty crime.

The Samahan ng Progresibong Kabataan or SPARK has asked city officials to suspend the implementation of their ordinances and make it in tune with the recent societal changes brought about by programs of the national government such as the K-12 program of the Department of Education as well as the student employment program of the labor department which commenced only in 2009.

Oplan Rody is reportedly to be in full swing in the cities of Quezon City, Las Pinas, Manila, Pasay, Caloocan, Malabon, Mandaluyong and Makati.

Recently, the cities of Bacoor in Cavite and Lipa in Batangas have as well “activated” their long-standing ordinances to prohibit minors outside their homes from 10pm to 4am. Police officials in Mandaue City in Cebu province also intends to implement its curfew ordinance which was passed in 1999. The Mayor of Baguio City has also publicly expressed his support for Oplan Rody.

“On one side, we admit that local government units have the responsibility to curb petty crime and vice but then again it counteracts other programs that the national government has implemented only recently,” said Joanne Lim, member of the National Secretariat of SPARK.

The Diliman-based activist lamented that the city mayors and police have mindlessly and indiscriminately enforced their “Jurassic” ordinances in an effort to get into the good side of the next administration without taking into account the day-to-day struggles of commuting and working students.

“If Oplan Rody’s implementation in Metro Manila systematically and indiscriminately victimized students in the past weeks, how much more if implemented as well in the cities and municipalities around Metro Manila where they are enrolled and employed,” Lim reasoned.

“If only students do not suffer from horrendous traffic jams, flooded streets in the rainy season and inadequate public transport systems on a daily basis then it can be implemented as early as 10pm but that is not the case. The immense volume of people travelling to and from Cavite, Rizal and Laguna, many of them students will require longer travelling hours”.

“Senior High students as well as working students will need more latitude and consideration from authorities,” she said.

Lim added that, “to implement the curfew in the manner which is done as seen on television is not only traumatic but also indiscriminate. Such draconian measures and methods cannot be implemented without violation of human rights because all minors found past 10pm, are under the presumption of criminal activity not unless proven to be enrolled or came from their graveyard shift at work”.

SPARK claims that it is willing to sit down with city and police officials in order to formally present the side of the students and ensure that their rights and welfare are guaranteed at all times.

Tuesday, June 21, 2016

SEX IN THE CITY


KAWALAN ng pag-asa ang isa sa mga dahilan kaya nabubuyo ang ilang babae na pumasok sa prostitusyon o magpakita ng katawan para kumita ng salapi.
Madaling kumita sa ganitong paraan. Kailangang kumita agad para sa araw-araw na pangangailangan. Iyan ang tugon ng iba.
Nagmamadali.
Pero ang iba ay luho ang dahilan. Ang iba ay inggit ang nag-uudyok. Bakit? Kailangang maging "in" sa mga gamit. Dapat maging trendsetter at hindi masapawan. Diyan madaling kumita kaya sa ganyang paraan din nila masusunod ang luho ng katawan. Ano nga bang silbi ng kanilang ganda kung hindi mapapaganda pang lalo. Pano yung pambili ng mamahaling pabango, damit, kolorete at pagpunta sa mga happenings at gimik?
Inggit! Ba't mayroon ang iba na wala ako? Sila lang ba ang may karapatang maging masaya at guminhawa at masunod ang gustong gawin at bilhin? Ang mga patagong tanong ay inihahanap nila ng mabilis na tugon - at ang pagbebenta at paghuhubad ang napagbabalingan. Iyan ang tugon, para sa kanila.
Ngunit, may mga dramatiko at madamdaming dahilan. Makabagbag-damdaming kuwento ng mga babaeng nasadlak sa lusak para mahango sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Iyan ang tunay na bersyon ng dala-sa-pilit at kapit sa patalim na paglusong ng ibang babae sa putikan ng kamunduhan.
Ngunit hindi pa rin iyan ang wagas na dahilan.
Maling desisyon.
Ang iba ay rebelde. Hindi makaramdam ng pagmamahal sa mga magulang kaya naghanap ng ibang kalinga. Pagpapabaya ng mga magulang ang dahilan. Hangal na katwiran.
May bersyon din ng naanakan ng boyfriend ngunit tinakasan, at upang mabuhay ang anak ay sa kasa o beerhouse napunta.
Kailangan bang intindihin at bigyan ng katwiran ang mga dahilan o dapat lang na tanggapin dahil sila ay parte ng entablado ng aliwan?
Hindi nga mawawala ang ganyang klaseng trabaho pero hindi dapat maging pangunahing atraksyon iyan sa mga babaeng binigyan lang ng konting ganda ng mukha at katawan ay magdedesisyon nang pumasok dahil may "K" sila.
Maling pananaw. Wala sa katwiran.
Sistema nga ba ang dahilan kaya ang ibang babae ay nasa lansangan at nagpapahagip sa mga ganid sa laman?
Sistema na ba na ang isang batambatang babae na maganda ay bibihisan ng magulang upang papasukin sa club?
Habang umiikot ang mundo at habang sumisikat at lumulubog ang araw ay maraming kuwestyon ang kasama ng sirkulong ito kaya dapat na lang bang tanggapin ang katotohanang andiyan na yan?
Sistema!
Ano sa inyo??

Monday, June 20, 2016

WHAT TO DO WITH COLORUM PUVs? ... BURN 'EM

Sunugin ang mga kokirum na sasakyan dahil ito ang nagpapasikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ito ang biro ni dating MMDA Chairman at ngayon ay Marikina Congressman-elect Bayani Fernando nang makausap ng media habang nagsasagawa ng orientation sa Malaking Kapulungan ng Kongreso.
Pagbibiro pa nito na kung pwede nga lang sanang sunugin na agad ang lahat ng mga mahuhuling kolorum na unit para mabawasan ang mga ito.
Sa pagbubukas aniya ng 17th Congress ay kanyang isusulong ang pagpapabigat sa parusa sa mga mahuhuling kolorum na sasakyan.
Isa rito ang pagtataas ng multa sa mga sasakyang iligal na namamasada para malugi ang mga operator ng kolorum.
Masyado aniyang magaan ang multa sa mga kolorum kaya maraming operators ang sumusugal kahit nahuhuli ang kanilang units paminsan-minsan.
Ang kailangan aniya ay madala na ang mga salarin sa unang violation pa lang.
Sa pangalawa ay dapat nang malugi ang mga operator ng iligal na namamasada.
Kailangang kalahati aniya ng halaga ng sasakyan ang multang ipataw sa mga kolorum operator.

7 carnappers patay sa tropa ng veteran Davao crimefighter

NAGSILBING ‘opening salvo’ ng bagong talagang Police Region 3 director ang pagkakapatay ng kanyang mga tauhan sa pito na hinihinalang karnaper matapos tangkain ng mga itong takasan ang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa  bayan ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay P/Chief Supt. Aaron Aquino, regional director ng Region 3, ang mga napatay ay miyembro ng Jimboy Santos carnapping group na nag-o-operate sa nasabing rehiyon ngunit patuloy pang inaalam ang pangalan ng mga ito.
Base sa ulat, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang shootout sa lugar ng EPZA sa Pulung Cacutud, Angeles City at Barangay San Juan ng nasabing bayan.
Napag-alaman na sa EPZA, dalawa sa mga suspek na nakasakay ng Mitsubishi Montero na may plakang  PQC 877 ang nasawi habang sa lugar naman ng Barangay San Juan, apat na sakay ng Mitsubishi Adventure ang napatay.
Sa pahayag ni Aquino, nakatanggap sila ng intelligence report na muling mambibiktima ang grupo at ang Seatex Industries ang kanilang balak pasukin.
Dahil dito, agad na pinagplanuhan ng Pampapaga PNP ang gagawing operasyon laban sa grupo upang madakip subalit lumaban ang mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Kalaunan, kinumpirma ni Aquino na isa sa mga napatay ay si Jimboy Santos na siyang lider ng grupo.
Samantala, nagulantang naman ang mga pulis at mga mamamahayag nang biglang may nagsisigaw na tao sa ilalim ng Adventure na humihingi ng tulong na napag-alamang isa sa mga suspek na posibleng nagtago sa gitna ng putukan. Isinasailalim na ito ngayon sa masusing imbestigasyon.
Si Aquino ay kauupo lamang bilang director ng Region 3 at dating PRO11 deputy regional director for administration na isang beteranong crimefighter sa Davao City.

Obispo pinapili: P10 milyon o ibubulgar ko ang relasyon ko sa pari?

Kulungan ang binagsakan ng isang nurse nang ipaaresto ng obispo na kanyang tinangkang kikilan matapos bantaang ibubulgar ang kanya umanong affair sa isang pari sa lalawigan ng Sorsogon.
Nakapiit ngayon sa detention cell ng Sorsogon-PNP at nahaharap sa kasong robbery extortion ang suspek na si Leo Funtanares, 26, residente ng naturang lugar.
Kwento ni Bishop Arturo Mandin Bastes, nagtungo sa kanyang tanggapan si Funta-nares noong Mayo 3, 2016, at inamin ang relasyon umano nito sa isa sa mga pari na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng una. Pakay ng suspek na humingi ng tulong upang matigil na ang relasyon nila ng pari.
Ngunit pagdating ng Mayo 13, 2016, nabigla umano ang obispo nang hingan na siya ng P10 milyon ng suspek at pinagbantaan pa siya na isasapubliko ang relasyon nila ng hindi pinangalanang pari.
Makalipas ang halos 11 araw ay bumalik si Funtanares at sinabing binawasan na niya ang kanyang hinihingi sa obispo at ginawa na lamang itong P5 milyon. Dahil sa pamimilit ng suspek, binigyan ito ni Bishop Bastes ng P25,000 at sinabihan na bumalik sa kanyang opisina makaraan ang dalawang linggo para sa ikalawang installment.
Lingid sa kaalaman ng suspek, nakipag-ugnayan si Bastes sa mga awtoridad at agad isinagawa ang entrapment operation.
Nakumpiska sa suspek ang isang puting sobre na nag-lalaman ng perang nagkakahalaga ng P25,000 at ang acknowledgement receipt na pirmado pa ni Funtanares na may petsang Hunyo 1 at Hunyo 17, 2016.
Matapos nito, dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kaukulang kaso.