Monday, August 22, 2016

130 PULIS POSITIBO SA DROGA

SA halos 100,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP), 130 sa kanila ang nagpositibo sa paggamit ng droga.
Nabatid sa PNP na nasa kabuuang 99,598 police officers ang sumalang sa drug tests sa buong bansa, kabilang ang mga may ranggong police major o chief inspector.
Hindi muna pinangalanan ni Chief Supt. Emmanuel Aranas, director ng PNP Crime Laboratory, ang mga opisyal nitong nagpositibo sa illegal drug use pero kabilang umano sa kanila ang pulis sa Meycauan, Bulacan na natagpuang patay at may cardboard pa na nagsasabing siya ay "pusher."
May ilang babaeng pulis din umano ang nagpositibo bagamat hindi na binanggit ni Aranas ang bilang ng mga ito.
Nagpadala na umano ang PNP ng notice o abiso sa mga pulis na nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Aranas na ipauubaya na kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald "Bato" dela Rosa kung ano ang gagawin sa mga nagpositibo sa illegal drugs bagamat otomatiko ring mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo.
Isinagawa ng PNP ang random drugtests upang malinis ang hanay nito.

No comments:

Post a Comment