Thursday, August 18, 2016

Death toll sa habagat 14 na

UMAKYAT na sa labing-apat ang mga nasawi dahil sa matinding ulan na dulot ng hanging habagat sa Pilipinas.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdag sa bilang ang hindi pa nakikilalang biktima ng pagkalunod sa Palawan.
Nangingisda umano sa maalong bahagi ng dagat sa Barangay Calasaguen sa Brooke’s Point ang biktima bago ito naiulat na nawawala.
Samantala, walong indibidwal pa ang nawawala habang anim ang sugatan bunsod pa rin ng hanging habagat.
Tinatayang 17,896 na indibidwal naman ang nananatili sa mga evacuation center.
Aabot din sa 262,271 tao ang naapektuhan ng masamang panahon sa Calabarzon, Western Visayas, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.
Iniulat ng NDRNMMC na may 24 kalsada ang hindi madaanan pansamantala sa Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga at La Union.

No comments:

Post a Comment