Thursday, August 18, 2016

Pokemon Go bawal sa Olongapo

Mahigpit na ipinagbabawal ni Olangapo City Mayor Rolen Paulino ang paglalaro ng nauuso ngayong mobile application na Pokemon Go.
Paliwanag ng alkalde, mapanganib para sa mga menor de edad ang paglalaro ng Pokemon Go lalo na kung  masama ang panahon.
Itutulak ni Paulino sa konseho ng lungsod ang pagtitibay ng ordinansa para hulihin ang mga kabataang naglalaro ng Pokemon Go kapag suspendido ang klase sa mga eskuwelahan.
Sinabi ng alkalde na kaya siya nagdedesisyon na kanselahin ang klase sa lungsod kapag may matinding pag-ulan o bagyo ay upang tiyakin na ligtas ang mga kabataan sa kani-kanilang tahanan.
Subalit hindi na aniya makatwiran na tila nakukunsinti ang mga kabataan sa paglalaro ng Pokemon Go sa kalsada kapag suspendido ang klase.
Sa paglalaro ng Pokemon Go, kinakailangang gumalaw o maglakad ang manlalaro na bitbit ang kanyang mobile phone.

No comments:

Post a Comment