NAGTAPOS sa elementarya at high school ang may 41 inmates sa Quezon City Jail Male Dorm kaugnay sa programa ng Alternative Learning System ng Department of Education ngayong taong 2015-2016.
Isinagawa ang graduation rites sa loob mismo ng Quezon City Jail.
Ang naturang programa ay inilunsad sa QCJ-MD apat na taon na ang nakararaan kaagapay ang DepEd at pinamahalaan ng mga mobile teacher at Welfare Development Unit kung saan binabase sa facilitating modular ang mga isinasagawang pag-aaral o basehan sa elementary at secondary level.
Layunin ng Alternative Learning System Program na mabigyan ng pagkakataon ang bawat inmates na makapag-aral at makapagtapos ng basic education kahit sila ay nakapiit habang hinihintay ang hatol sa kanila ng hukuman.
No comments:
Post a Comment